Mga Mabisang Gamot sa Trangkaso

loading...

Lahat ng tao, bata man o matanda, babae o lalaki ay nagka-trangkaso na. Ikaw rin, sigurado ay nagkaroon na ng ganitong sakit at hindi lang isang beses. Ang trangkaso, hindi man madalas, ay pabalik-balik sa katawan ng isang tao. At kapag may ganitong sakit, ano ang ginagawa at iniinom mo? Sa palagay mo ba ay tama ang ginagawa mo? Eh, ang gamot sa trangkaso na iniinom mo, tama rin ba? Importanteng malaman mo ang tamang pamamaraan at pag-inom ng gamot, maging ang tamang oras ng pag-inom nito.

Ano nga ba ang trangkaso?

Madalas, kapag ang nararamdaman ay mas malala pa sa karaniwang nararamdaman ng nilalagnat, ito ay tinatawag nang trangkaso. Ganoon din ba ang turing mo rito? Ang trangkaso, o Influenza o Flu sa Ingles ay isang uri ng sakit na nakakahawa. Inaatake nito ang respiratory system ng pasyente. Ito madalas ang nagiging dahilan ng pagkakaroon ng mataas na lagnat, mas malalang pananakit ng ulo, at namumuong malapot at makapal na plema sa respiratory system. Ang sakit na trangkaso ay nag-uumpisa sa flu virus kung saan bumibilis ang pagkalat nito sa katawan kapag napasok na ito.

Ang trangkaso, nakahahawa man, ay lumilipas din at gumagaling din sa paglipas ng ilang araw. Katulad ng nabanggit, walang nakakaligtas sa sakit na tangkaso – matanda man o bata, lalaki o babae, ay maaaring magka-trangkaso, makahawa at mahawa, kung makikisalamuha ang isang tao sa kapwa na may trangkaso. Maaari ka ring mahawa, kapag nalanghap mo ang hanging mayroong Influenza virus. Nabanggit mang pangkaraniwan na lamang ang trangkaso, hindi ito dapat bale-walain dahil maaari itong maging dahilan ng malubhang sakit. Sa ganitong pagkakataon, ang isang taong may mahinang resistensiya, kapag tinrangkaso, ay may posibilidad na mamatay.

Mga sintomas na dapat obserbahan at bantayan

Kapag may trangkaso, napaka-ordinaryo na lamang ng pag-inom ng paracetamol. Pagkakaroon pa lamang ng sinat, ganitong gamot na kaagad ang iniinom. At kapag tuluyan nang nagkalagnat at nauwi na sa trangkaso, round the clock na ang pag-inom ng paracetamol (tuwing apat na oras) para masiguro ang paggaling. Ganito ka rin ba pag may trangkaso? Tama namang inaalagan mo sarili sa pamamagitan ng pag-inom ng gamot sumasama na an pakiramdam. Pero hindi ba, madalas naman ay self-medication ang ginagawa natin kapag tayo ay may lagnat o trangkaso? Kailangan, matukoy mo muna kano ang nagiging dahilan ng pagkakasakit bago desisyonan ang pag-inom ng gamot sa trangkaso.

Madalas, nararanasan ang sintomas ng lagnat o trangkaso sa hindi inaasahang oras. Ang ibig sabihin, bigla na lamang itong nararamdaman. Pangkaraniwan na lamang na nararamdaman ang mga sintomas isa hanggang dalawang araw pagkatapos mahawa sa taong may lagnat. Makakaramdam ng matinding lamig sa umpisa, o giginawin na may kasabay na lagnat at pagsakit ng kasukasuan at halos buong katawan. Ilan sa mga sintomas ay ang mga sumusunod:

  • lagnat
  • madalas giniginaw na may kasamang panginginig
  • pag ubo nang may kasabay na sipon
  • pabago-bago o minsang kawalan ng gana sa pagkain
  • pananakit ng kalamnan
  • matinding pananakit ng ulo

Tamang gamot sa trangkaso

Ayon sa mga pag-aaral, wala naman talagang partikular na gamot sa trangkaso. Ang mga nireresetang dapat inumin kadalasan, ay mga panlunas lang para sa mga sintomas pero hindi naman kayang lubusang gamutin ang sakit. Pinadadali lang din nito ang pananatili ng trangkasong sa katawan. Isa sa mga karaniwang ginagawa ng pasyente bilang gamot sa trangkaso ang pag-inom ng maraming tubig at pagpapahinga. Ang pag-inom ng tubig ay para makaiwas sa dehydration at pagkakaroon ng kakulangan sa tubig. Para naman sa mga karaniwang sintomas, sapat na ang paracetamol para bumaba hanggang sa gumaling ang lagnat at maibsan ang sakit ng kalamnan at buong katawan.

Laging tatandaang, ang mga gamot sa trangkaso ay naaayon sa iba pang mga sintomas na mararamdaman. Para makasigurado sa mga karagdagan pang gamot ang na dapat inumin, mas mabuting magpatingin sa doktor. Sa panahong ito, mayroong mga bagong gamot sa merkado bilang panlaban partikular na sa virus na nagiging dahilan ng pagkakaroon ng trangkaso. Pero hindi pa rin naman ito puwedeng ituring na bahagi ng regular na gamot sa trangkaso. Katulad ng nabanggitna, ang doktor pa rin pinaka-may alam kung ano ang dapat inumin, gawin at iwasan.

Mga gamot sa trangkaso bilang natural na remedyo

Dahil ayon nga sa pananaliksik, wala naman talagang espesipikong gamot sa trangkaso, puwedeng malunasan ang sakit na ito sa pamamagitan ng todong pamamahinga at pag-inom ng napakaraming tubig. Hindi katulad ng iba pang mga karamdaman, walang lunas ang trangkaso kaya naman hindi na ito maaari pang gamutin sa pamamagitan ng antibiotics. Malagang alam mo na tinatanggal o nilalabanan lamang ng gamot na antibiotics ay ang mikrobyo na pumasok sa katawan at hindi ang virus. Kung may trangkaso ka at hindi mo alam ang iyong gagawin, uminom lang ng maraming tubig. Tuloy-tuloy lang ang pag-inom para hindi ka ma-dehydrate.

Nabanggitna rin sa unahang bahagi ng artikulong ito na nakakatulong ang pag-inom ng paracetamol para ma-kontrol o mabawasan ang pagkakataong tumaas pa ang lagnat at sumakit ng todo ang kalamnan sa katawan. Bukod dito, mayroong mga natural na paraan bilang suporta sa gamot sa trangkaso. Ang mga halaman gaya ng lagundi at luya ay tumutulong na maibsan ang trangkaso. Mabisang gamot din ang mga ito sa pagtatae, ubo, hika at sipon.

Hindi man kayang lubusang mapagaling ng bakuna para sa flu ang lahat ng uri ng trangkaso, napatunayan na rin naman ito bilang nakapagpapabuti sa naturang sakit, maging sa mga katulad na kondisyon na kailangan na ng hospital confinement. Ano man ang uri ng lagnat mayroon ka, importante pa ring matingnan ng doktor ang kalagayan mo.

Kung minsan, ang inaakala nating normal o ordinaryong trangkaso lang ay mas malalang sakit na pala tulad na lamang ng dengue o typhoid, o higi pa pala. Kaya naman pag tumataas na ang lagnat at hindi bumubuti ang kondisyon, lalo na kung kakaiba na ang sintomas na nararamdaman, na hindi kasama sa mga naibigay dito na halimbawa ng indikasyong may trangkaso ka, magpasuri na sa doktor. Obserbahang mabuti kung ikaw ay nakararanas na ng pagdurugo, hindi na gumagaling ang lagnat mo nang higit isang linggo na, tuyo na ang bibig at sobra na ang pananamlay, mas mabuti kung ikaw ay magpapa-ER na sa pinakamalalpit na ospital at tawagan na ang iyong doktor para sa karampatang lunas.

loading...

Related posts