About

TUNGKOL SA AMIN

Bagaman hindi nakamamatay, ang trangkaso ay maaaring magdulot ng panghihina, abala, at seryosong mga kumplikasyon kung ito ay mapabayaan. Uso ang pagkakaroon ng trankaso dito sa Pilipinas kaya’t bibihira sa atin ang makapagsasabi na hindi pa nila naranasan ang pasakit na dala ng pagkakaroon ng trangkaso.

Kami po, bilang mga tagapaglathala ng website na Trangkaso.info, alam namin kung gaano nakapanlulumo ang pagkakaroon ng trangkaso maging ito man ay dumapo sa isang tatay, ina, anak na estudyante o sanggol. Kaya naman gustong gusto naming magbigay ng libre ngunit praktikal na mga impormasyon kung ano ang gagawin kapag may trankaso ang isa sa iyong mga kapamilya.

Totoo, dahil sa ang trangkaso ay dala ng isang partikular na uri ng virus, ito ay kusang nawawala sa loob ng hindi tatagal ng isang linggo. Pero may magagawa ka para maibsan ang nakapanghihinang mg sintomas ng pagkakaroon ng trangkaso. Nasa Trangkaso.info ang mga tips kung paano lalabanan ang pananakit ng katawan na dala ng sakit na ito.

Layunin din ng Trangkaso.info na ituwid ang maling mga impormasyon ukol sa trangkaso tulad na lamang ng mga pamahiin at mga agam-agam na imbes na makatulong ay kung minsan ay nakapagpapalala pa sa sitwasyon.

Kaya kung may trangkaso ka at naghahanap ng lunas, magbisita agad sa Trangkaso.info!

loading...